Ang lahat ng mga patakaran na ito ay ipinatutupad sa lahat ng parte ng SnitchSeeker.com
1. Ang kalaswaan/kahalayan (pornography) at panunungayaw (profanity) ay hindi pinapayagan sa anumang pagkakataon sa SnitchSeeker.com. Huwag i-PM ang ibang miyembro ng mga walang kabuluhang bagay. Mawawalan ka ng karapatan na bisitahin ang site na ito kung lalabagin ang mga panuntunang inilahad.
2. Bawal magkaroon ng higit sa isang account dito sa site na ito.
3. Maglagay ng mga paksa sa tamang forum. Ang mga paksa na sa tingin namin ay di makabuluhan o di karapat-dapat ay aalisin o buburahin namin kahit hindi kayo nasasabihan.
4. Ang mga Lagda ay iaapprove ng mga moderators at mga admins. Pwede mong ibigay (o isulat) ang iyong lagda sa paksang,
SUBMIT YOUR SIGNATURE HERE.
Nararapat lamang na basahin unawain muna ang mga panuntunan sa paglalagay ng mga signature.
Sa bagong patakaran ng Snitchseeker ay maaari ng maglagay ng sariling Lagda (signature) ang mga miyembro. Huwag lamang lalabag ang mga ito sa mga batas ng Snitchseeker. New Signature Rule (Bagong Patakaran tungkol sa Lagda)
Makakatanggap ng babala ang mga lalabag sa patakaran na ito.
5. Ang mga avatars ay hindi dapat lalaki sa 20Kb.
6. Maging magalang sa lahat ng miyembro ng Snitchseeker.
- Huwag masyadong gumamit ng malalaking letra. Halimbawa: (AKO SI JUAN DELA CRUZ)
- Huwag maglagay ng mga paulit-ulit na pangungusap.
- Huwag maglagay ng derogatory (masama, racist, etc.) na pangungusap na ikakagalit ng ibang tao.
7. DAPAT galangin ang lahat ng mga SS staff at ang kanilang mga desisyon.
8. Ang pag-aadvertise ng ibang website o links ay pwedeng ilagay sa inyong mga lagda (singnature) o sa profile ninyo
kung saan ang mga website na ito ay hindi lumalabag sa mga patakaran ng site.
9. Kung mayroon kang problema sa ibang miyembro, mag-PM ka ng isang Admin para ikaw ay tulungan niyang makipagayos.
10. Ang mga usapan o debate tungkol sa relihiyon, pulitika, seksualidad, aborsyon, away (violence), drugs at alcohol at iba pa ay
ipinagbabawal sa Snitchseeker.
11. Ang systema ng pagbababala ay ang sumusunod:
Warning
Infarction
Expiration
Banning
Ang sistemang ito ay mas maipapaliwanag sa
the warning system
Para sa iba pang katanungan, i click lamang ang link na ito:
Rules and Faq
o hindi kaya ay magpost ng tanong sa
Mga Tanong at opinyon
Nais ko lang pong sabihin na wag po sana tayong gagawa ng mga bagong threads sa forum ng wala kaming alam. Ipagpaalam nyo po sa amin...
Maraming salamat po. =)